^

Metro

Rider nabundol ng trak, todas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agad na nasawi ang isang motorcycle rider makaraang mabundol at masagasaan pa ng isang dump truck habang binabagtas ang kahabaan ng MacArthur Highway sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si John Paul Diolola, 24-anyos, may-asawa, merchandizer, at nakatira sa No. 244 Data Street, Brgy. Paso de Blas ng natu­rang lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa kahabaan ng MacArthur Highway sa tapat ng Fatima Hospital sa Brgy. Marulas.

Sakay ng isang Sym brand motorcycle (BA 80393) ang biktima na binabagtas ang northbound lane ng nabanggit na kalsada nang mabundol siya ng isang dump truck na may MV File No. 1301-00000638786.

Nang malaglag sa motorsiklo, pumailalim sa trak ang biktima at nagulungan pa ng rak na dahilan ng matin­ding pinsala bg kanyang katawan.

Agad na tumakas ang hindi nakilalang tsuper sakay ng kanyang trak habang sinaklolohan ng mga kapwa motorcycle rider ang biktima na isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang “dead on arrival”.

vuukle comment

VALENZUELA CITY ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with