_ngayon
^

Metro

Fil-Chinese timbog sa P8.5-M party drugs

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Fil-Chinese timbog sa P8.5-M party drugs

Sa hotel sa Bonifacio Global City

MANILA, Philippines — Nasa P8.5 milyong ha­laga ng droga ang nakum­piska mula sa nadakip na  Filipino-Chinese trader sa isinagawang drug operation sa isang five star hotel sa Bonifacio Global City  (BGC) sa Taguig City.

Kinilala ang suspect   na si Domingo Tanyao Uy Jr., ng Balete Drive, Andres North Condominium 2803, Quezon City.

Ayon sa report, ala-1:00 kahapon ng madaling araw nang madakip ang suspect sa isang five star hotel sa BGC.

Ito ay bunsod nang tawag sa telepono ng security personnel ng hotel na natanggap ng pulisya hinggil sa kahinala-hinala at iligal na gawain ng nabanggit na suspect.

Kaagad na nagkasa ng anti-illegal drugs operation ang Taguig City Police at PDEA-NCR.

Nakumpiska mula sa suspect ang milyung hala-ga ng party drugs.

Bukod sa mga droga, natuklasan din ng mga awtoridad ang mga tseke na ibinayad sa suspect na nagkakahalaga ng P175 million.

Sinabi ni Police Major Joseph Austria, ng BGC Police Precinct, hihingin nila ang tulong ng Anti Money Laundering Council (AMLAC) upang madetermina ang mga tseke na nakuha sa pag-iingat ng suspect.

Ayon naman kay Ge­ne­ral Eleazar, tinawag na “lucky break” ang insidente, da­hil  wala aniya sa radar ng NCRPO ang suspect na si Uy.

FILIPINO-CHINESE TRADER PARTY DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with