^

Metro

4 empleyado ng towing company, arestado sa kotong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 empleyado ng towing company, arestado sa kotong
Ang mga suspek ay nakilalang sina Gerry Lee, 46, Towing Service Team Leader ng Metal Gear Towing Services at mga kasamahang sina Randy De Leon, 39; Henry Navarro, 18, at George Rosing, 44. Dinakip ang apat, dakong alas-2:20 ng hapon sa Main Under Loop, Brgy. Calumpang, batay sa reklamo ni Luis del Rosario.

MANILA, Philippines — Arestado ang apat na lalaki, na pawang tauhan ng isang towing company sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad sa Brgy. Calumpang, Marikina City, kamakalawa ng hapon. Ang apat ay inireklamo nang pangingikil ng isang motorista, kapalit nang pagsasauli ng kanyang sasakyan na hinila ng mga suspek.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Gerry Lee, 46, Towing Service Team Leader ng Metal Gear Towing Services at mga kasamahang sina Randy De Leon, 39; Henry Navarro, 18, at George Rosing, 44. Dinakip ang apat, dakong alas-2:20 ng hapon sa Main Under Loop, Brgy.  Calumpang, batay sa reklamo ni Luis del Rosario.

Sinabi ni del Rosario,  na unang hinila  ng mga suspek ang kanyang kotse na Mitsubishi at kinontak siya upang makipagkita sa kanila sa Main Under Loop at sinabihang isasauli nila ang kanyang sasakyan, kapalit ng P6,500.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek ay humingi na ng tulong sa mga pulis ang complainant na kaagad na nagkasa ng entrapment operation. Kaagad namang dinakma at pinosasan ng mga awtoridad ang mga suspek nang aktong tanggapin ng mga ito ang naturang halaga ng cash mula kay del Rosario.

vuukle comment

KOTONG

TOWING COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with