^

Metro

2 brgy. kagawad sa Maynila, patay sa ambush

Danilo Garcia, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 brgy. kagawad sa Maynila, patay sa ambush
Kahapon sa insidenteng naganap sa Maynila, patay ang 63-anyos na barangay kagawad na si Ernesto Sibug, ng Brgy. 131 Zone 11 at residente ng Balut, Tondo. Dead on arrival sa Tondo General Hospital ang biktima sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

MANILA, Philippines — Dalawang barangay kagawad sa Maynila ang nasawi makaraang kapwa ambusin sa magkahiwalay na lugar kama­kalawa ng gabi at kahapon ng umaga.

Kahapon sa insidenteng naganap sa Maynila, patay ang  63-anyos na barangay kagawad na si  Ernesto Sibug, ng Brgy. 131 Zone 11 at residente ng Balut, Tondo. Dead on arrival sa Tondo General Hospital ang biktima sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, alas-6:02 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Pinoy at Bel­tran Sts. sa Balut, Tondo.

Sakay ang biktima ng kanyang Mitsubishi Adventure nang biglang pagbabarilin ng mga suspek na lulan naman  ng Toyota Fortuner na walang conduction sticker at plaka.

Samantala, nauna rito ka­makalawa ng gabi nang pagbabarilin din ang isang barangay kagawad ng Maynila na si Rodolfo Hernandez, Jr., 42, ng Brgy. 363 Zone 37, Sta. Cruz, Maynila na naganap sa Navotas City.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa tapat ng isang gasoline station sa may Honorio Lopez Street, Brgy. North Bay Boulevard South kung saan sakay si Hernandez at isa pang tindero ng isda sa isang tricycle.

Nabatid na patungo sana sa Navotas Fish Port sina Hernandez para mamakyaw ng panindang isda nang maipit sa mabigat na trapiko.  Habang naghihintay na umusad ang mga sasakyan, isang motorsiklo ang tumabi sa kanila at pinaputukan ng rider ang biktima.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek sa dalawang insidente.a

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with