^

Metro

‘Bad eggs’ sa QC hall, kakalusin ni Mayor-elect Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Bad eggs� sa QC hall, kakalusin  ni Mayor-elect Joy B
Housekeeping at paglilinis sa QC hall ang ­unang aayusin upang ang mga bulok na sistema na may ano­malya ay maitama, hindi umano niya kukunsintihin ang mga maling gawain sa city hall.

MANILA, Philippines — Kakalusin ni incoming Que­zon City Mayor Joy Belmonte ang mga non-perfor­ming assets o mga bad eggs na walang ginagawang magandang serbisyo sa mamamayan ng lungsod.

Ito ay sinabi ni Belmonte bilang mga pangunahing hakbang na gagawin sa loob ng 100 araw sa posisyon bilang alkalde.

Anya, housekeeping at paglilinis sa QC hall ang ­unang aayusin upang ang mga bulok na sistema na may ano­malya ay maitama,  hindi umano niya kukunsintihin ang mga maling gawain sa city hall.

“Sisimulan po natin ang pagbabago sa lungsod. Yung mga pumanig sa korapsyon ay dapat mag-early retirement na dahil hindi po natin sila kailangan sa aking pamunuan,yung mga walang ginawang mabuti para sa ba­yan ay hindi na dapat manatili pa sa kanilang posisyon,” sabi Belmonte.

 “Sa ginawa kong pag-iikot sa ibat-ibang lugar sa QC ay nakatanggap ako ng ibat ibang mga reklamo na tungkol sa anomalya at hindi ko ito itotole­rate. Magkakaroon din po tayo ng auditing sa mga proyekto, titingnan natin kung ang mga proyektong ginastusan ng lokal na pamahalaan ay tapos na at kung hindi pa. Titingnan din natin  kung ang mga contractors ay nag-comply sa mga requirements, gusto ko po sa loob ng 100 days ko ay maram­daman na agad ng ating mamamayan ang mga pagbabago sa lungsod,” dagdag ni Belmonte.

Anya gusto rin niyang magkaroon ng Housing Department sa ilalim ng kanyang pamunuan upang mabigyan ng sapat na programang pabahay ang may 250,000 informal settler families na una na niyang naipangako sa kampanya.

Titiyakin niya anya na ang mga pondong laan sa mga programa ay direktang mapupunta sa mamamayan at hindi pagwawaldas ng pera ng lungsod sa mga proyektong hindi naman mapapakinabangan.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with