^

Metro

Imbestigasyon sa banggaan ng 2 tren ng LRT-2, sinimulan na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Imbestigasyon sa banggaan ng 2 tren ng LRT-2, sinimulan na!
Ayon kay Cabrera, kabilang sa aalamin ng komite ay kung paanong kumalas ang preno ng ‘dead train,’ gayundin ang bilis o speed ng tren nang maganap ang banggaan at ang ‘incline’ o pagkakahilig ng riles sa lugar.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera na nitong Lunes ay sinimulan na ng binuo nilang fact-finding committee ang imbestigasyon sa banggaan ng dalawang tren ng LRT-2, nitong Sabado ng gabi, na nagresulta sa pagkasugat ng 34 na katao.

Ayon kay Cabrera, kabilang sa aalamin ng komite ay kung paanong kumalas ang preno ng ‘dead train,’ gayundin ang bilis o speed ng tren nang maganap ang banggaan at ang ‘incline’ o pagkakahilig ng riles sa lugar.

Inaasahan naman ni Cabrera na magtatagal ang imbestigasyon hanggang ngayong Martes, at base sa kanilang karanasan, maaari aniyang hanggang bukas, Miyerkules, ay makapaglalabas na ang komite ng ulat hinggil sa pangyayari.

Muli rin namang sinabi ni Cabrera na tulad ng sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade ay hindi nila ipinagsasawalang bahala ang pangyayari dahil ito’y napakaseryosong bagay lalo na at sangkot dito ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Nabatid na hanggang nitong Lunes ay lima pang indibidwal ang nananatiling naka-confine sa pagamutan dahil sa aksidente.

Kabilang aniya dito ang isang grade 8 student, na nabasag ang panga at kinakailangang sumailalim sa operasyon. Ibibiyahe aniya ang naturang pas­yente sa Ilocos dahil na rin sa kahilingan ng pamilya nito na doon na lamang isagawa ang operasyon.

Ani Cabrera, ang isa pang biktima na nasa ospital ay dumaranas naman ng muscle spasm, isa ang may traumatic anxiety, isa ang may dislocated shoulder, at isang LRTA teller na nagtamo ng broken arm.

Iniulat na rin naman ni Cabrera na sa kasalukuyan ay normal na ang operasyon ng LRT-2 ngunit dahil sa aksidente ay pito lamang umano ang mga tren nilang bumibiyahe kaya’t asahan na ang mas matagal na paghihintay ng mga pasahero bago makasakay ng tren.

Una naman nang humi­ngi ng paumanhin ang LRTA sa pangyayari at tiniyak na sasagutin nila ang mga gastusin sa pagpapagamot, maging loss of income ng mga nasaktan sa aksidente.

Nanindigan rin ito na ‘generally safe’ pa rin ang LRT-2 sa kabila nang naganap na banggaan.

Isolated incident rin lamang anila ito, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumanas ng ganitong aksidente ang LRT-2 sa loob ng 15-taong operasyon nito.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with