Presyo ng petrolyo, umalagwa
MANILA, Philippines — Matapos ang dalawang beses na rollback, nagpatupad naman ngayong araw na ito ng taas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.
Pinangunahan ito ng Pilipinas Shell, PTT Philippines at Petro Gazz, nagtaas ng P0.90 sa kada litro ng gasolina, P0.80 sa kada litro ng diesel habang nasa P0.75 kada litro ng kerosene, epektibo ng alas-6:00 ng umaga.
Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ng price increase ang iba pang oil companies sa kahalintulad na halaga.
Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
- Latest