^

Metro

Bebot na dayo, itinumba sa Baseco

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang babae na pinaniniwalaang dayo sa lugar ang  binaril ng dalawang beses sa ulo ng hindi nakikilalang gunman, kahapon ng madaling araw sa Baseco Compound, Port Area, Maynila. 

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Joan J. Suazo, 39, ng   Cadena de Amor St. Tondo, Maynila base sa nakuhang barangay ID sa kanya ng mga pulis. 

Ayon sa imbestigasyon ni P/SSgt Marlon San Pedro, ng Manila Police District-homicide section na dakong alas-4:30 ng madaling araw nang mang­yari ang pamamaril sa Bldg. 15-A Baseco Compound Port Area, Maynila. 

Sa salaysay ng saksing si Rosalie Aborque, nakarinig siya ng dalawang putok ng baril at nang labasin ay nakita niya ang nakabulagtang biktima  sa gilid ng tindahan. 

Nalaman na hindi umano kilala sa lugar ang biktima at pinaniniwalaang dayo lamang.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insdente para alamin kung ano ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Dinala ang bangkay sa Archangel Funeral para sa awtopsiya.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with