^

Metro

2 drug suspect, bulagta sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa bumulagta ang dalawang lalaking pinaniniwalaang mga ‘tulak’ ng iligal na droga makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa isang operasyon, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Inisyal na hinilala sa alyas Jeff at alyas Vincent, kapwa nakatira sa Brgy. North Bay Boulevard North, ng naturang lungsod ang mga nasawi.

Sa ulat ng Navotas City Police, nagsasagawa ng surveillance operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ukol sa talamak na operasyon ng iligal na droga sa may Brgy. NBBN dakong alas-10:30 ng gabi nang mamataan ang mga suspek na naglalakad sa isang eskinita na may hawak na mga plastic sachet ng hinihinalang shabu.Nang tangkaing lapitan para magpakilalang mga pulis, bumunot umano si alyas Vincent ng baril buhat sa kanyang likuran at pinaputukan ang mga pulis na nagmintis. Gumanti ang mga pulis ng putok kung saan tinamaan si Vincent sa katawan.

Tumakbo at pumasok naman si alyas Jeff sa kanyang bahay at kumuha ng baril saka pinaputukan ang mga humahabol na pulis.  Isang bala buhat sa mga pulis ang tumama sa suspek na dahilan ng kanyang kamatayan.

Narekober ng mga pulis kay alyas “Vincent” ang isang Colt .45 at kay alyas Jeff naman ang isang kalibre .38 baril, mga bala at na plastic sachet ng hinihinalang shabu.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with