^

Metro

31 trak ng election materials, nahakot sa MM

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
31 trak ng election materials, nahakot sa MM

MANILA, Philippines — Umabot na sa 31 trak ng election campaign mate­rials ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa buong Kamaynilaan, isang linggo matapos ang May 2019 Midterm Elections.

Katumbas ito ng 215 to­nelada at 757 cubic meters ng campaign posters at mga tarpaulins.

Unang naging prayoridad ang mga main roads na linisin ngunit ngayong dara­ting na linggo ay uumpisahan na rin ang paglilinis sa mga secondary at iba pang side streets na tadtad din ng campaign materials na hindi na inasikasong linisin ng mga politikong tumakbo habang ang iba ay nagkusang magtanggal.

Pinakamaraming campaign materials na tinanggalan ng MMDA ay ang mga lungsod ng Quezon City, Maynila, Parañaque, Las Piñas, Makati, Taguig at Pateros habang pinakakaunti ay ang lungsod ng Valenzuela.

“Base sa pag-iikot ng mga monitoring group, ‘yung iba nagkusang magtanggal ‘yung mga barangay captain so konti na lang ang nakukuha namin, ‘yun na lang matataas na naka­sabit sa kuryente,” ayon kay MMDA Sidewalk Clearing Operations and Metro Park Regreening Group head Francis Martinez.

Una nang sinabi ng MMDA na plano nilang i-recycle ang mga campaign materials lalo na ang mga tarpaulins bilang bags, fol­ders­, at mga envelopes.

Patuloy pa rin ang pana­wagan ng MMDA sa mga tumakbong kandidato, pa­nalo man o talo, na tumulong sa pagtanggal ng kanilang mga campaign materials na maaaring maging dahilan ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig na makakadagdag sa baha sa pagsapit ng tag-ulan.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with