^

Metro

‘Tulak’ pumalag, bulagta

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang isang sinasabing ‘tulak’ ng droga nang makipagbarilan sa mga otoridad habang nakatakas naman ang kasapakat nito sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, Linggo ng gabi.

Ang napatay na suspek ay si Jessie Cabigas, nasa hustong gulang habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat na si Alfredo Yumol.

Sa ulat, alas-11:55 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa may Dulong Tangke St. sa Brgy. Malinta. Isa sa mga pulis ang umaktong buyer ng droga at nagawang ma­kabili ng isang plastic sachet ng shabu sa mga suspek.

Nang makatunog na pulis ang kanilang ka-deal ay dito na agad bumunot ng baril si Cabigas at pinutukan ang pulis na masuwerteng hindi tinamaan.

Dito gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para duguang bumulagta si Ca­bigas habang sinamantala naman ni Yumol ang kaguluhan para makatakas.

Narekober ng mga pulis sa lugar ng barilan ang isang kalibre .38 baril na may lima pang bala na gamit ni Cabigas, at mga cartridges buhat sa iba’t ibang baril.

Nakuha naman ng mga tauhan ng NPD Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa katawan ng suspek ang anim na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, limang plastic sachet na may lamang pinatuyong marijuana at ang P200 marked money.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with