^

Metro

Pasahero arestado sa granada sa NAIA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Pasahero arestado sa granada sa NAIA
Maingat na sinusuri ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group ng NAIA ang nakuhang granada na nakasilid sa backpack ng isang pasahero noong Biyernes ng hapon sa Terminal 2.
Kuha ni Rudy Santos

MANILA, Philippines — Arestado ang isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) Terminal 2 matapos makumpiskahan ng granada sa backpack nito noong Biyernes.

Nasa kustodya na ngayon ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG) ang pasaherong si Deo­gracias Polmano, nasa hustong gulang.

Lumalabas sa report ng pamunuan ng NAIA, dakong alas-5:00 ng hapon nang pumasok sa NAIA Terminal 2 si Polmano kung saan sa initial screening ay nakita na ng mga airport personnel ang isang MK2 fragmentation grenade sa loob ng kanyang backpack.

Dito ay agad na ipinatawag ang K-9 Unit ng NAIA upang ma-inspeksyon ang bagahe nito at dito nga nakumpirma na granada ang nasa loob ng backpack.

Nabigo naman si Polmano na magpakita ng kaukulang dokumento hinggil sa dala nitong granada sa mga otoridad kung kaya’t agad na ina­resto at sinampahan ng kasong paglabag RA 9156 o Illegal Possession of Explosives.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with