^

Metro

6 wanted sa batas, nadakip

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ang anim na wanted sa batas dahil sa iba’t ibang kaso, kabilang ang no. 9 most wanted person ng Regional Highway Patrol Unit (RHPU) National Capital Region (NCR) sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Quezon.

Sa ulat, nadakip ang no.9 most wanted na si Rizalde Dignadice, 45, dakong alas-2:20 ng hapon kamakalawa dahil sa paglabag sa Republic Act 6539 o The Anti-Carnapping Act of 1972 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Eleuterio Bathan, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 92.

Samantala, inaresto ng mga tauhan ng QCPD sa bisa ng warrant of arrests sina Marlon Magbitang, 25, at Michael Ignacio, 24, kapwa ng Brgy. Gulod, Novaliches, dakong alas-11:00 ng umaga kamakalawa dahil sa dalawang bilang ng kasong theft o pagnanakaw na nasa sala ni Hon. Judge Ma. Gilda Loja-Pangilinan, QC MTC Branch 31.

Ang Batasan Police Station (PS 6) naman ang nakaaresto kay Ma. Kris Calindas Daniel, 27, dakong alas-6:10 ng gabi kamakalawa, para sa grave oral defamation na kinakaharap nito sa sala ni Hon. Assisting Judge Dinah Maximo-Uy, ng QC MTC Branch 35, at may katapat na piyansang P18,000.

Dakong ala-1:50 naman ng madaling araw kamakalawa ng arestuhin idin ng mga tauhan ng PS 6 si Patrick Ian Dela Cruz, 25, ng Brgy. Payatas, dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children na nakasampa sa sala ni Hon. Assisting Judge Lilyann Padaen, QC RTC, Branch 99.

Naaresto rin si Mary Jane Leyva, 41, ng Brgy. Bago Bantay, dakong alas-11:00 ng umaga dahil sa kasong frustrated estafa na may kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10175 na hawak ni Presiding Judge Analie Oga-Brual, ng QC MTC Branch 41.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with