^

Metro

Family driver kalaboso sa P.5-M alahas na ninakaw sa amo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang family dri­ver matapos umamin na nagnakaw ng nasa P505, 000.00 halaga ng mga alahas sa kaniyang amo, sa Pandacan, Maynila, iniulat kahapon.

Nahaharap na ngayon sa kasong qualified theft o Article 310 ng Revised Penal Code si Norvondo Rea, alyas “Nor” 55-anyos, may-asawa at residente ng No. 2587 Lamayan St., Sta. Ana, Maynila.

Sa imbestigasyon ni P/Corporal Serafin Galpo Jr., naganap ang pagkawala ng mga alahas sa loob ng bahay ng complainant na si Adelina Enriquez, 67, biyuda, sa No. 1871 Pres. Quirino Avenue, Pandacan, Maynila, noong nakalipas na Linggo bandang alas-8:00 ng umaga, habang nagsisimba ang biktima kasama ang isang kasambahay.

Nang umuwi ng bahay ala-1:00 ng hapon ay muling umalis ang biktima dakong alas-6:00 ng gabi at bumalik alas-8:00 ng gabi, at nang oras na nagpapalit ng damit at ibinabalik ang suot na alahas ay napansin na wala na sa cabinet ang iba pang alahas.

Inireport ito sa barangay subalit hindi siya agad naasikaso dahil abala para sa paghahanda sa halalan ang mga tao kaya kinabukasan ay muling bumalik na hindi pa rin naasikaso dahil araw ng eleksyon.

Mayo 16 nang bumalik sa barangay at doon na napanood sa CCTV ang footage sa mga oras na umalis ng bahay ang biktima at nakitang pumasok naman ang suspek.

Ipinadampot sa Penfrancia Police Community Precinct (PCP) ang suspek at itinurn over sa MPD-TRS, kung saan umamin ang suspek na natukso siyang nakawin ang mga alahas at ikinanta rin na naibenta ito sa Arranque market, sa Sta. Cruz, Maynila kaya isinagawa ang follow-up operation dahilan upang mabawi ang mga alahas.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with