_ngayon
^

Metro

Gulong ng van sumabog:1 patay, 14 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa ang patay habang 14 pa ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang gulong ng sinasakyan nilang pampasaherong van at tumaob sa North Luzon Expressway sa bahagi ng Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawing pasahero na si Rolan Denovo, 31, tubong Capiz, binata, at nakatira sa Brgy. Minuyan 2, San Jose Del Monte, Bulacan.

Natukoy naman ang iba pang sugatang pasahero na sina Iris Cabuguin, 30; Marcelo Mariano, 32; Mevel Gucor, 28; Mark Gil Naraga, 29; Darryl Raquel, 51; Elbert Gallano, 36; John Arvin Chavez, 31; Alexis Macosa, 30; Argie Rotomo, 21; Melvin Blanco, 41; Daniel Fronda Jr., 21; Ricmar Lactao, 28; Mark Francis Delos Reyes, 26; at tsuper na si Ron Arwin Fernandez, 23.

 Sa ulat ng Valenzuela City Police, sakay ang mga biktima ng isang Hyundai H100 passenger van (NAL 2318) at patungo sa company outing nang maganap ang aksidente sa ikatlong lane ng northbound lane ng NLEX sa bahagi ng Km 18+300 sa Brgy. Lawang Bato  dakong alas-8 ng umaga.

Sa imbestigasyon, sumabog ang likurang gulong ng van dahilan para kumiling ang sasakyan pakanan at bumangga sa steel railing sa gilid ng kalsada.  Dahil sa impact, gumulong pakanan ang van at bumagligtad sa may East Service Road ng Lawang Bato.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Valenzuela City Rescue Unit at mga tauhan ng NLEX saka mabilis na naisugod sa Valenzuela City Medical Center ang mga biktima ngunit sinamang-palad na hindi na umabot ng buhay si Denovo.

VALENZUELA CITY ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with