Habambuhay sa Chinese  na drug trafficker
Sa limang pahinang desisyon ni Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 63 Judge Selma Palacio Alaras, kinilala ang sinentensiyahan na si Shi Jian Jia.
Habambuhay sa Chinese na drug trafficker
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habambuhay  na pagkabilanggo ang naging hatol ng hukuman sa isang Chinese national matapos itong mapatunayang nagkasala sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot kahapon ng umaga sa Makati City.

Sa limang pahinang desisyon ni Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 63 Judge Selma Palacio Alaras,  kinilala ang sinentensiyahan na si  Shi Jian Jia.

Pinagbabayad din ng korte ng halagang P500,000 ang dayuhang akusado bilang danyos perwisyo.

Base sa record na isinumite sa korte, ang akusadong dayuhan ay napatuna­yang nagkasala sa kasong paglabag sa Section 5, Article 2, Republic Act 9165  o Comprehensive Dangerous Drugs Act kaugnay sa  pagbebenta nito ng nasa 2.8 kilo ng shabu.

 Dahil walang interpreter, si Shi, tumulong ang isang abogadong nakakapagsalita ng Chinese at gumamit na lamang din ng google translate para maunawaan ang hatol ng korte laban sa kanya.

Matatandaan na si Shi ay naaresto sa isang drug raid sa Makati  City noong Marso ng nakalipas na taon.

Nagkaroon ng follow up operation, kung saan nabisto ang isang shabu laboratory sa Muntinlupa City, kung saan nasamsam ang nasa limang mil­yong halaga ng droga.

Napag-alaman na dito umano kumukuha si Shi ng mga droga na ibi­nebenta nito sa kanyang mga parok­yano.

DRUG TRAFFICKER SHI JIAN JIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with