^

Metro

2 holdaper/rapist , patay sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 holdaper/rapist , patay sa shootout
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Joselito Esqui­vel Jr., inaalam pa nila ang pagkakakilanlan sa mga napatay na suspek.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Dalawa sa apat na taxi robbers  na nagtangka pang dumukot at manggahasa sa isang babaeng  biktima ang napatay ng mga pulis sa isang engkwentro sa Brgy. Payatas, Quezon City,  kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Joselito Esqui­vel Jr., inaalam pa nila ang pagkakakilanlan sa mga napatay na suspek.

Batay sa ulat ng Batasan Police Station (PS 6), alas-3:00 ng madaling araw nang makatanggap sila ng tawag mula sa 911 at sinabing isang kahina-hinalang puting taxi na may sakay na apat na lalaki ang nakaparada sa Leyte St., corner Payatas Road, Brgy. Payatas. 

Kaagad na rumes­ponde ang mga awtoridad upang beripikahin ang ulat.

Gayunman, nang mamataan sila ng mga suspek ay kaagad na umanong nagpaputok ang mga ito ng baril sa kanilang direksiyon 

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng dalawang suspek, habang nakatakas ang kanilang dalawang kasamahan.

Matapos ang eng­kwentro ay dito na nakita ng mga pulis ang isang babaeng nakahubad at hindi na pinangalanan na nasa loob ng taxi.

Ayon sa biktima, dinukot siya ng mga suspek at saka kinuha ang kanyang mga personal na gamit sa  Luzviminda St., Brgy. Batasan Hills.

Narekober ng mga pulis mula sa crime scene ang dalawang caliber .38 revolver, tatlong pakete ng shabu at ang taxi na may plakang VFK-686 at itim na cellphone. 

vuukle comment

PAYATAS SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with