Parak timbog sa kotong
MANILA, Philippines — Inaresto nang pinagsanib na pwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), Philippine National Police, Counter Intelligence Task Force (PNP, CITF) at Inspectorate General (IG) ang isang pulis na inireklamo nang pangongotong kahapon ng umaga sa Pasay City.
Kinilala ni NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar ang suspect na si P/SSgt. Rommel Macaspac, nakatalaga sa Pasay City Police.
Nadakip ang naturang suspect sa ikinasang entrapment operation ng NCRPO, IG at PNP, CITF pasado alas-10:00 kahapon ng umaga sa panulukan ng Luna St. at Buendia Avenue, Pasay City matapos ireklamo ng ‘ habal habal’ driver na si Rosendo Rama, hinggil sa umano’y pangongotong ng pulis.
Ayon sa sumbong tinutukan umano siya ng baril sa ulo ni Macaspac nang hindi siya makapag remit ng halagang P2,000 ‘tong money’.
Dahil dito, kinuha pa umano ng suspect ang P1,500 na natitirang pera ng misis ni Rama.
Sa pamamagitan ng P1,000 marked money inintrap ng naturang operatiba si Macaspac at nakumpiska dito ang kalibre .9mm pistol na service fire arm nito at mga bala.
- Latest