^

Metro

Ginang itinumba ng tandem

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Ginang itinumba ng tandem
Nasawi noon din ang biktimang si Rowena Calderon, ng Brgy. New Lower Bicutan ng naturang lungsod.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Utas  ang isang ginang na negosyante  nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang salarin habang sugatan naman ang dalawang  ginang na kausap nito matapos tamaan ng ligaw na bala, kama­kalawa ng gabi sa Taguig City.

Nasawi  noon din ang biktimang si Rowena Calderon, ng Brgy. New Lower Bicutan  ng naturang lungsod.

Ginagamot naman sa Taguig-Pateros District Hospital  sina Lucile Bugarin, 38, at Rosemarie Ormita, 43.

Ayon sa pulisya,  naganap ang insidente alas-7:25 kamakalawa ng gabi sa A. Reyes St., Brgy. New Lower Bicutan.

Nabatid na ang mga biktima ay nag-uusap  sa tindahan na pag-aari ni Calderon at walang kamalay-malay ang mga ito sa pagdating ng dalawang suspect.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ng mga suspect si Calderon, na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang tinamaan ng ligaw na bala ang dalawang kausap nito.

Pagkatapos ng pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo nang pamamaril.

vuukle comment

LUCILE BUGARIN

ROSEMARIE ORMITA

ROWENA CALDERON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with