^

Metro

Pulis pumalag sa holdap, sugatan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang pulis matapos itong holdapin at barilin ng riding in tandem, kahapon sa Parañaque City.

Nakilala ang biktima na si P/SMaster Sgt. Rodolfo Mondragon, 41, nakatalaga sa  Crime Laboratory Office,  Camp Crame.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya laban sa mga suspect at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Ayon sa report na nakarating sa tanggapan ni P/Brig. Gen. Eliseo Cruz, director ng Southern Police District (SPD), base sa kuha ng CCTV camera, naganap ang insidente alas-3:53 ng madaling araw sa harapan ng Davidville Elementary School, Lopez, Brgy. San Isidro, Parañaque City habang pinaparada ng biktima ang kanyang motorsiklo nang dumating ang tandem na suspects at tinabihan  ng mga ito si Mondragon.

Dito ay nagdeklara ng holdap ang mga suspect at nang papalag ang biktima ay kaagad itong pinutukan.

Matapos ang panghoholdap at pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect. Nagawa pa ng biktima na imaneho nito ang kanyang motorsiklo at  isugod nito ang sarili sa nabanggit na ospital.

vuukle comment

COP SHOT BY RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with