^

Metro

Drug suspect ayaw paaresto, dedo sa engkuwentro

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang drug suspect na number 1 sa drug watchlist at sangkot din sa gunrunning activities ang nasawi matapos makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakilala ang nasa­wing suspect na si Ferdinand Ajido Lerit, ng St., Flires Compound, Brgy. 176, Zone 18, Malibay ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa report  naganap ang insidente alas-6:00 kahapon ng umaga  sa tinitirhan ng suspect sa nabanggit na lugar.

Nabatid na magsisilbi ng warrant of arrest ang mga kagawad ng Pasay City Police, na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court Judge Wilhelma B. Jorge-Wagan laban sa  suspect dahil sa kaso nitong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Subalit, habang sinisilbi ng mga pulis ang naturang warrant   ay naglabas ng baril ang suspect  at pinutukan ang mga aaresto sa kanya  na mabuti na lamang  at hindi tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga pulis dahilan upang mapuruhan ang suspect  na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Base sa record ng pulisya, number 1 ani­ya sa drug watchlist ang suspect at bukod rito ay sangkot din ito sa gunrunning.

vuukle comment

DRUG WAR

GUNRUNNING ACTIVITIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with