^

Metro

Pagdadawit kay Joy B sa brgy. chair killing, ibinasura ng PNP

Robertzon Ramirez - Pilipino Star Ngayon
Pagdadawit kay Joy B sa  brgy. chair killing, ibinasura ng PNP
Idinagdag pa ng PNP chief na mala­yong mangyaring masangkot si Belmonte sa pagpaslang kay Beltran.

MANILA, Philippines — Ibinasura ni PNP chief Gen. Oscar Alba­yalde  ang mga paratang na isina-sangkot si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa pagpaslang kay Brgy. Bagong Silangan, Chairwoman Crisell Beltran noong nakalipas na Enero 2019.

“Walang anumang ebidensya ang ating mga imbestigador sa ganitong anggulo,” pahayag ni Albayalde sa isinagawang ambush interview sa Camp Crame.

Idinagdag pa ng PNP chief na mala­yong mangyaring masangkot  si Belmonte  sa pagpaslang kay Beltran.

Si Beltran ay dapat sana’y tatakbong kongresista kalaban sina Annie Susano at Precious Castelo sa da­rating na midterm election sa Mayo.

Ang mga alegasyon laban kay Belmonte ay maituturing umano na election-related.

“They are taking advantage of everything. Alam mo naman na mag-eeleksyon,” dagdag pa ni Albayalde na tumutukoy sa mga kalaban ni VM Belmonte.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with