^

Metro

Marikina Mayor pagpapaliwanagin sa pagwi-withdraw ng suporta sa pulisya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Marikina Mayor pagpapaliwanagin sa pagwi-withdraw ng suporta sa pulisya
Sinabi ng Kalihim na sakaling mapatunayang may katotohanan ang reklamo ng Marikina City Police laban kay Teodoro ay tatanggalan ito ng ‘police powers’.
facebook

MANILA, Philippines — Pagpapaliwanagin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año si Marikina City Mayor Marcelo Teodoro matapos na umano’y tanggalan nito ng suporta ang lokal na pulisya sa kanilang lungsod.

Ayon kay Año, ipinabeberipika na niya ng mga detalye sa bagay na ito na dapat ipaliwanag ng alkalde.

 “If it is true, what he has done would have serious impli-cations in the peace and order functions of our police officers in Marikina City,” pahayag ni Año.

Sinabi ng Kalihim na sakaling mapatunayang may katotohanan ang reklamo ng Marikina City Police laban kay Teodoro ay tatanggalan ito ng ‘police powers’.

Una nang pinasaringan ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde ang isang mayor umano sa silangang bahagi ng Metro Manila na mistulang bata na tinanggalan ng suporta ang himpilan ng pulisya tulad ng gas allocations para ipatupad ang mga ordinansa ng lungsod.

Bagaman hindi naman direktang tinukoy ni Albayalde kung sino ang nasabing alkalde ay umalma ang nakaupong City Police Officer in Charge Police Colonel Redrico Maranan na sila ang apektado at totoo ang sinasabi ni PNP Chief.

“Aside from the deduction in gas allocation and the recall of Ordinance Violation Receipt (OVR) and Traffic Violation Receipt (TVR) (tickets used in enforcement of traffic laws and city ordinances), we were also informed that we are no longer allowed to attend the flag-raising ceremony so we conduct our own flag-raising,” pahayag ni Maranan.

Nabatid na nag-ugat ang insidente dahilan sa hindi naibigan ni Teodoro ang paglalagay ng PNP ng bagong hepe ng Marikina City Police  na hindi man lamang umano kinuha ang kaniyang opinyon.

Kaugnay nito, inihayag naman ni DILG Spokesman at Undersecretary Jonathan Malaya, ginagawa ang pagpapalit ng liderato sa panahon ng election period upang hindi maimpluwensyahan ang kapulisan sa mga pulitiko.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with