^

Metro

Pinaka-bonggang piyesta sa Kalakhang Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magsasanib ng puwersa ang mga lungsod ng  May­nila at Pasay upang itanghal ang pinaka-bonggang piyesta sa kapuluan -- ang tinaguriang Aliwan Fiesta -- na gagana­pin mula ngayong Abril 25 hanggang 27, sa ilalim ng Manila Broadcasting Company, Star City, at Sentrong Pang­kultura ng Pilipinas.

Ang taunang kapistahan ay sisimulan ng Shoppers Bazaar at Pasakalye sa Sotto St., kaharap ng Aliw Theater. Dito magkakaroon ng mini concert ang Ben&Ben, Juan Karlos, This Band, at Extreme Lab.

Sa ika-26 ng Abril naman, maglalaban-laban ang naggagandahang dilag  mula  sa iba’t ibang lalawigan para sa korona ng Reyna ng Aliwan, kung saan aawit din sina Christian Bautista at Jason Fernandez. 

Ang malaking paradang magtatampok sa iba’t ibang kapistahan mula hilaga hanggang katimugan ng bansa ay gaganapin sa Sabado, ika-27 ng Abril, mula Quirino Grandstand  at babaybayin ng Roxas Boulevard patungong Aliw Theater sa CCP Complex kung saan gaganapin ang mismong streetdance at float competition. Isang milyon ang nakalaan sa magwawaging festival streetdancers, at kalahating milyon naman sa float design. Tampok na panauhin ang 6 Cycle Mind at si Vin Abrenica.

vuukle comment

ALIWAN FIESTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with