Ininspeksyon ni Manila Mayor Joseph Estrada ang gusali ng Emilio Aguinaldo College (EAC) sa San Marcelino St.,  Manila na bahagyang pumaling sa katabing condominium, nabitak at naglaglagan ang bahagi ng semento bunsod ng 6.1 magnitude earthquake. Inatasan  ni Mayor Estrada ang  Manila City Engineers  office na magsagawa ng ocular inspections sa lahat ng government buildings upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Gusali ng EAC na ‘humilig’ dahil sa lindol hindi na ipagagamit-DPWH
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamunuan ng Emilio Aguinaldo College (EAC) na huwag nang gamitin ang kanilang gusali na naapektuhan ng lindol noong Lunes ng hapon.

Ipinabatid ito ni DPWH Secretary Mark Villar na nagsabi ring pinalilikas na nila ang mga occupant sa nasabing pasilidad.

Bumagsak ang mala­king bitak ng semento mula sa gusali ng EAC matapos ang magnitude 6.1 na lindol noong Lunes.

Kinordon na rin ng DPWH ang lugar para maiwasan ang dagdag pang pinsala sakaling may bu­magsak na debris mula sa gusali.

Ayon kay Villar, mas kailangan na unahin ang kaligtasan ng publiko  kaysa sa  istruktura ng gusali.

Dapat na paghandaan ang posibleng muling  pagyanig kung saan maaaring maapektuhan na ang mga lumang gusali.

Umapela din si Villar  sa publiko na agad na ipag­bigay alam sa kanila kung may mga istruktura o  kalsada na nagkaroon ng bitak dahil sa lindol.

EMILIO AGUINALDO COLLEGE MARK VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with