Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, binigyan niya ng go signal na muling makabiyahe ang LRT, MRT at PNR matapos na matiyak na pawang ‘fit for operations’ na ang mga naturang linya ng tren.
Biyahe ng MRT, LRT at PNR, back to normal na !- DOTr
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na balik na sa normal ang mga operasyon ng mga mass railway system sa bansa na kinabibingan ng Light Rail Transit Lines 1 (LRT-1) and 2 (LRT-2), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), at Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, binigyan niya ng go signal na muling makabiyahe ang LRT, MRT at PNR matapos na matiyak na pawang ‘fit for operations’ na ang mga naturang linya ng tren.

Matatandaang nitong dakong 5:11 ng Lunes ng hapon ay niyanig ng magnitude 6.1 na lindol, ang ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Dahil dito, ipinag-utos ng DOTr na ipatigil na muna ang operasyon ng mga naturang linya ng tren upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Sa panig naman ni Transportation Assistant Secretary for Communications Goddess Libiran, sinabi nito na matapos ma-inspeksiyon at mapag-alaman na ligtas ng gamitin ang buong linya at mga riles ng tren ay saka lamang nila pinahintulutan na muling bumiyahe ang mga bagon.

Nilinaw din naman ni Libiran na ang bitak na nakita sa LRT Recto Station ay existing damage o dati nang pinsala at walang kinalaman sa lindol. 

Nabatid na alas-5:30 ng madaling araw nang payagan ng DOTr na mu­ling bumiyahe ang mga tren ng mga naturang mass railway systems matapos ang isinagawang structural at track inspections sa mga ito.

ARTHUR TUGADE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with