Acierto, 7 pa ipinaaaresto ng korte
Edu Punay (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Manila court ang pag-aresto sa dating police official na si Eduardo Acierto at pitong iba kaugnay sa smuggling ng bilyong halaga ng shabu shipments noong nakaraang taon.

Ang arrest warrant ay inis­yu ni Manila Regional Trial Court Branch 35 laban kay Acierto at mga co-acused sa kaso  na isinampa ng DOJ.

Kabilang pa sa ipina­aaresto ay sina dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban at dating PDEA Deputy Director for Administration Ismael Fajardo; ang importers na sina Chan Yee Wah, alyas KC Chan at Zhou Quan, alyas Zhang Quan; consignees na sina Vedasto Cabral Baraquel Jr. at Maria  Lagrimas Catipan at Emily Luquingan.

Sa mga nabanggit, bukod tanging si Guban na tumestigo kamakailan sa congressional investigation ang kasaluku­yang nasa kustodya ng mga awtoridad.

Sa kanyang kautusan na ipinalabas  noong nakaraang Abril 12, 2019, walang inirekomendang piyansa si Judge Ma. Bernardita Santos sa mga akusado dahil ang drug importation charges  ay kabilang sa non-bailable na kaso sa ilalim ng batas.

EDUARDO ACIERTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with