Pulis binaril ni misis, kasambahay nadamay
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang pulis nang barilin ng kanyang misis, matapos itong malasing at agawin ang kanyang baril, sa selebrasyon pa mismo ng kaarawan ng una  sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City Lunes ng gabi. Sugatan  at nadamay din ang kanilang kasambahay, na tumulong sa pag-awat sa ginang.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Joselito Esquivel Jr. ang mga biktima na si Patrolman Wilson Pepito, 34, nakatalaga sa Police Community Precinct 3 (PCP-3) ng  Bagong Silang, Caloocan City NPDO/MCRPO; at Janet  Macahilig, 37, kapwa residente ng Sampaguita St., Maligaya Park Subdivision, Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Arestado naman ang misis nitong si Angeline Flora, 27.

 Batay sa ulat ng Fairview Police Station 5 ng QCPD, dakong alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente habang nagdiriwang ng kanyang ika-34 na kaarawan si Pepito, sa kanilang tahanan.

Ayon sa report, masaya umanong nag-iinuman ang mga biktima, kasama sina Flora at isang alyas Marilyn, ngunit nang malasing si Flora ay bigla na lamang nitong sinunggaban ang .9mm service firearm ni Pepito.

Nang maagaw ang baril ay agad na ipinutok ng suspek sa biktima na tinamaan sa katawan.

Nadamay naman si Macahilig na noon ay nagtatangkang umawat sa kaguluhan, nang tumagos ang balang tumama sa pulis at aksidenteng tumama sa kanya.

Kaagad namang naisugod sa Tala Hospital ang mga biktima para magamot. 

Narekober rin ng mga awtoridad ang baril, na isang Rock Island cal. 9mm, Model M1911A1-FS, at may Serial No. RIA198737, mula sa silid ng biktima.

Sa ngayon ay mahaharap sa kasong frustrated homicide si Flora dahil sa insidente.

COP SHOT BY WIFE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with