MRT, LRT balik biyahe na
MANILA, Philippines — Balik na sa biyahe ngayong araw ang tatlong mass transport system sa bansa.
Sa advisory ng Department of Transportation (DOTr), tapos na ang ‘maintence shutdown’ ang MRT-3, LRT-1 at LRT-2 ay handa na muling magbigay ng serbisyo sa pamamagitan ng paghahatid at pagsundo ng mga pasahero.
Ang MRT-3 ay nagsimulang magsuspindi ng kanilang biyahe noong April 15 habang ang LRT-1 at LRT-2 ay noong Abril 18-21.
Ayon sa DOTr, naisayos ang mga dapat isaayos sa mga pasilidad ng MRT-3, LRT-1, LRT-2, mga bagon at riles kaya balik na sa normal ang operasyon ng tatlong mass transport sa bansa.
Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula sa Roosevelt, Quezon City hanggang Baclaran, Parañaque City at pabalik, habang ang LRT-2 ang nagdudugtong sa Santolan sa Pasig City patungong Recto, Maynila at vice versa.
Ang MRT-3 naman ay bumabagtas sa EDSA mula sa Taft Avenue, Pasay City, hanggang sa North Avenue, Quezon City at pabalik.
- Latest