3 dakma sa cara y cruz at shabu
MANILA, Philippines — Imbes na magtungo sa simbahan para sa tradisyon na “Salubong” tuwing Linggo ng Pagkabuhay, sa bilangguan bumagsak ang tatlong lalaki na naglalaro ng cara y cruz na inaresto ng mga pulis at nakumpiskahan pa ng shabu sa Delpan St., Binondo, kahapon ng madaling araw.
Bukod sa kinakaharap na kasong paglabag sa Presidential Decree 1601 o Illegal Gambling, sinampahan din ng paglabag sa Section 11 o Possession of Illegal Drugs ng Art.ll ng Republic Act 9165 ang mga suspek na kinilalang sina Elmer Sigue, 32; Joel Evangelista, 53; at Jimmy Vasquez, 44; pawang mga helper sa Divisoria market, sa Binondo.
Sa ulat ni P/Corporal Robert Ryan Noe ng Manila Police District-San Nicolas Police Community Precinct, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang mag-ikot ang mga tauhan ng nasabing presinto at nadaanan ang tatlong nagsusugal sa kalye sa Delpan sakop ng Barangay 283, Zone 26 .
Nang sila ay sitahin at kapkapan ay nakuhanan umano ng 3 sachet ng shabu na tinatayang nasa P600 ang halaga, cash na P300 at 3 coins na gamit sa cara y cruz.
- Latest