^

Metro

Ina minanyak habang nagpapasuso, obrero arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa selda ang bagsask ng isang manyak na obrero matapos umanong dakmain ang dibdib ng isang 19-anyos na ina habang ito’y nagpapasuso sa kanyang anak sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Nahaharap ngayon sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na si ­Alexander Santos, may live-in partner at nakatira sa Blk 26, Lt 5, Northville 2, Brgy. Canumay West, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nagpapasuso ng kanyang anak ang biktimang si Jane Paulyn Reyes sa harapan ng kanyang bahay dakong alas-9:00 ng umaga nang mapadaan ang suspek na si Santos.

Dito hinawakan ng suspek ang kamay ng biktima at hinalikan saka dinakma ang kanyang dibdib at hinapit ang kanyang bewang palapit sa kanya. Nagpapalag naman ang biktima hanggang sa bitiwan siya ng suspek at dumiretso sa common comfort room at sinenyasan siya na sumunod na hindi niya ginawa.

Alas-4:00 ng hapon nang magtungo sa kanilang barangay hall ang biktima at inireklamo si Santos.  Kasama ang mga pulis, tinungo ng mga opisyal ng barangay ang bahay ni Santos na nagresulta ng kanyang pagkakadakip.

HARASSMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with