^

Metro

Quezon City Hall hall employees bibigyan ng customer service training ni Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng plano niyang mapabuti ang serbisyo sa Quezon City Hall, bibigyan ng training ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan upang higit na mapahusay ang pagkakaloob ng serbisyo sa publiko.

“Plano kong isama ito sa layunin natin na mapaganda ang serbisyo sa city hall.  Iti-train natin lahat ng mga kawani ng munisipyo na humaharap sa taumbayan upang maayos at mapaganda ang karanasan ng mga tao tuwing may kailangan sila, pahayag ni Belmonte.

Anya, kinikilala niya ang pagseserbisyo ng mga tauhan ng Quezon City hall pero upang mapaganda pa ang pagseserbisyo sa mamamayan ay kailangang bigyan ng training ang mga ito.

Binanggit din Belmonte ang kanyang plataporma na gawing moderno ang mga serbisyo sa city hall sa pamamagitan ng teknolohiya kung saan automated ang proseso ng pagkuha ng dokumento at accessible na rin maging sa mga smartphone.

Pangako rin ni Belmonte na ilalapit ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mamamayan ng lunsod  upang hindi na gumastos pa ng pamasahe at mag-aksaya ng oras papuntang city hall.

“Gusto kong bigyan ng halaga ang oras ng mga mamamayan natin. Sa ginagastos nila na pamasahe na isang punta lang nila sa city hall, makukuha na dapat nila kaagad ang serbisyong pinunta nila. The people deserve that,” sabi pa ni Belmonte.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with