LTO operatives nagsimula nang kumalat sa bus terminals
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumalat na kahapon ang mga elemento ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng  ‘Oplan Semana Santa’ ng ahensiya.

Bukod sa pagsuri sa mga bus units sa mga terminals partikular sa Cubao area ay tiniyak din ng mga ito na maayos ang akomodasyon ng mga pasahero sa loob ng sasakyan at maayos ang mga gulong ng bus unit pati mga ilaw na bibiyahe.

Pinaalala ng LTO na bago bumiyahe  ang bus patungo sa labas at sa loob ng Metro Manila ngayong Semana Santa, kailangan munang masuri kung nasa kondisyon ang mga sasakyan.

Pinaalalahan din ng LTO ang ibang mga public utility units na dapat ay may dala silang  mga permit mula sa LTFRB kung iiba ng ruta at hindi sa kanilang tunay na ruta na naibigay ng LTFRB.

Binalaan din ng LTO ang mga sasakyan na mangongo-lorum na iimpound at magbabayad ng penalty na P1-M sa bus, P120,000 sa van at P60,000 sa jeep oras na makitang pu­­mapasada pabiyaheng  probinsiya ngayong Semana Santa.

Bukod dito, nagkakaloob din ng alalay sa mga motorista ang LTO operatives upang mapagaan ang paglalakbay at ligtas na makarating sa kani-kanilang destinasyon.

LTO OPERATIVES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with