Kelot binoga sa ulo
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Utas ang isang 28-anyos na lalaki nang barilin sa ulo matapos talikuran ang mga kausap na suspek sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Renjie Barbosa Parohino, residente ng Gabriela St., Dagupan, Tondo.

Suspek sa pamama-ril ang isang Mark Alvin Guinto at dalawang hindi pa nakikilalang kasabwat.

Sa ulat ni P/Corporal  Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pa­mamaril dakong alas-3:00 ng hapon sa Beltran St., malapit sa panulukan ng Pinoy St., Balut Tondo.

Nabatid na nagbibisikleta umano ang biktima nang tawagin ng mga suspek at nakitang kausap si Guinto at sa hindi malamang dahilan ay tinaliku­ran umano ng biktima si Guinto na ikinagalit nito.

Papalayo na sakay ng bisikleta ang biktima nang barilin habang nakatalikod na tinamaan sa ulo.

Dinala sa kalapit na os­pital ang biktima suba­lit idi­neklarang dead on arrival. Patuloy pa ang im­bestigasyon sa krimen.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with