Isko-Honey tandem nagpasalamat sa suporta ng mga Manileño
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagdami ng suporta, nagpahayag nang pasasalamat sina mayoralty candidate Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso at reelectionist Vice Mayor Honey Lacuna sa mga Manileño para sa darating na 2019 local elections.

Ayon sa survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc., nangunguna si Domagoso sa mga tumatakbong  alkalde sa Maynila sa nakuhang 47 percent ng poll respon-dents. Sa kabilang dako, nangunguna rin si Lacuna na nakakuha ng 50 percent ayon sa survey ng Publicus Asia, Inc.

Parehong independent at non-commissioned ang dalawang survey na ito.

Ayon kay Domagoso, ito ay naging inspirasyon para sa partidong Asenso Manileño na maging mas masigasig sa pangangampanya para maabot ang mas nakararaming Manileño.

Bukod sa mga motorcade, nagsasagawa na rin ng house-to-house campaign sorties ang tambalang Domagoso-Lacuna, lalo na sa mga liblib na mga lugar sa lungsod.

Samantala, walang motorcades o house-to-house sorties at caucuses  ang Asenso Manileño political party ngayong araw hanggang sa Sabado  upang bigyan daan ang paggunita sa Lenten season.

MANILEñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with