Dalagang nag-abort, patay nang maubusan ng dugo

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang 23 -anyos na dalaga makaraang maubusan ng dugo matapos na magpa-abort sa isang maliit na hotel sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

 Ala-1:55 ng madaling araw kahapon nang ideklarang patay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si  Tiffany Mae Del Rosario, ng  Sta.Cruz, Maynila.

 Ayon sa ulat, mag-isang nag-check-in sa isang maliit na hotel sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila ang biktima alas -3:15 ng hapon at dakong alas- 9:15 ng gabi nang tumawag ng saklolo sa front desk.

 Nang respondehan ng room boy ay nakitang wala na itong malay. Nakakalat ang maraming dugo sa silid ng biktima hanggang sa comfort room kaya isinugod sa nasabing pagamutan.

 Sa CR ay nakuha ang lumulutang na fetus na tinatayang nasa 6 na buwan habang sa silid na inokupa ay nakita naman ang nasa 21 tableta ng Methylergometrine, 2 Cytotec tablet, 6 na Amoxicillin capsule at 6 na paracetamol tablet.

 

DUGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with