Sabado ng gabi isinagawa ang proclamation rally ni dating Mayor Junjun Binay kasama niya si Makati City 1st District Congressman at aktor na si Monsour del Rosario na tumatakbong bise-alkalde.
Lahat ng taga-Makati ang nais kong pagsilbihan, hindi ilan lang-Monsour
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umarangkada na rin ang kampanya sa lokal na posisyon sa Makati kung saan magkatunggali sa pagka-mayor ang magkapatid na Binay.

Sabado ng gabi isinagawa ang proclamation rally ni dating Mayor Junjun Binay kasama niya si Makati City 1st District Congressman at aktor na si Monsour del Rosario na tumatakbong bise-alkalde.

 Sa kanyang pagsasa­lita, sinabi ni Del Rosario ang dahilan kung bakit siya sinibak sa tiket ng kasalukuyang Makati Mayor na si Abby Binay. ‘Mamamayan ng Makati ang dapat kong pagsilbihan, hindi iilan lang.

Ito ang  naging  pahayag ng  action star  at ni   Makati City 1st   District Congressman Monsour Del Rosario, nang  dumalo ito sa proclamation rally ni dating Mayor Junjun Binay  nitong Sabado ng gabi.

Ipinahayag nito na sinibak  siya sa grupo ni Mayor Abby, dahil hindi siya sumusunod sa sistema nito.

Ang sa kanya (Monsour) umano ay paglingkuran o tulungan  ang lahat ng mga taga-Makati at hindi ang nais umano ng mayor na kaalyado lamang at kapag kalaban ay hindi pwede.

 “Napag-usapan namin ni  Mayor Junjun, sakaling kami ang  maluklok at manalo, ang uunahin namin ay ang Ospital ng Makati, dahil wala tayong ospital sa District 1, ang ospital sa District 2 ay sira-sira na, kawawa ang mga tao doon, sa kanila ang gusto nilang unahin ay ibang proyekto. Ang nais naming unahin ni Mayor Junjun ay yung health at sunod ang education,” dagdag pa ni Del Rosario.

Nilinaw pa ni Del Rosario, na hindi siya  nakikisawsaw sa away ng pamilya Binay, off limits aniya siya sa mga bagay na iyan.

JUNJUN BINAY MONSOUR DEL ROSARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with