Ayon kay Analiza Solis, Chief Climate Information Monitoring and Prediction ng PagAsa ang naturang mga lugar na nasa dry spell ay makakaranas ng drought condition kung ang naturang mga lugar ay patuloy na hindi makakaranas ng pag ulan.
Edd Gumban
Metro Manila kasama sa dry spell list
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa ang Metro Manila sa limamput-limang mga lugar sa bansa ang nasa  dry spell  list ng PagAsa na epekto ng  El Niño phenomenon.

Ayon kay Analiza Solis, Chief Climate Information Monitoring and Prediction ng PagAsa ang naturang mga lugar  na nasa dry spell ay makakaranas ng drought condition   kung ang naturang mga lugar ay  patuloy na hindi makakaranas ng pag ulan.

Anya, kailangang dumanas ng sapat at normal na pag-ulan ang naturang lugar bago sumapit ang Abril, dahil kung hindi, sa katapusan ng Abril ay maaaring  matindi ang mararanasang tagtuyot  sa Metro Manila at iba pang mga lugar sa  bansa.

Kaugnay nito, may 8 lalawigan sa Luzon, isa sa Visayas at 7 sa Mindanao ang nasa ilalim sa “Meteorological Drought” condition na  nakaranas ng mahigit 60 percent ng rainfall reduction mula noong Enero.

Gayunman, sinabi ni Solis na dahil sa matinding init ng temperature ay maaaring makaranas ng panandaliang pag-ulan sa  bansa dulot ng localized thunderstorm.

EL NIñO PHENOMENON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with