Kidnaper ng paslit, arestado sa Navotas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

2-anyos basta na lang binitbit

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang lalaki na pinaniniwalaang sangkot sa pandurukot umano ng mga paslit makaraang masakote siya habang lulan sa isang pampasaherong jeep bitbit ang isang babaeng bata, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Sa istasyon ng pulisya, nagpakilala ang suspek na si Atoy Reyes, 27, na nakatira sa Malabon City.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa may C4 Road sa tapat ng Navotas Amphitheater sa Brgy. Bagumbayan North, ng naturang lungsod.

Ayon sa saksing si Mary Jane Satur, 19, nasa gilid ng kalsada ang kanyang 2-taong gulang na pamangkin na babae nang biglang buhatin ng suspek.  Agad niyang sinaklolohan ang paslit at nakipag-agawan sa suspek na isinakay sa loob ng isang jeep.

Agad na nakahingi ng saklolo ang mga residente sa mga barangay tanod na siyang umaresto sa suspek at nagsuko sa kanya sa mga pulis.

Sa loob ng presinto, tikom ang bibig ng suspek sa dahilan ng tangka niyang pagdukot sa paslit at kung saan niya ito dadalhin.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa suspek upang makumpirma kung kabilang siya sa sindikato na sinasabing nangunguha ng bata para pagkaperahan.

KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with