BIR official, 2 pa huli sa pangingikil
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at dalawang kasabwat nito nang tanggapin ang inisyal na ‘kotong money’ na bahagi sa hinihinging P300,000 buhat sa isang pribadong indibiduwal na tinakot na bubuhayin ang tax case nito.

Iniharap sa mga mamahayag ng NBI ang mga suspek na kinilalang sina Reynaldo Lojuco, Revenue Officer 2  ng BIR-Revenue District 25-A sa Bulacan at mga kasabwat  na sina Kim Bernadeth Carino at Sheila Marie Santiago.

Sinabi ni NBI deputy director for operations at NBI spokeperson Ferdinand Lavin na gumamit ng marked money na P100,000 ang grupo ng NBI-Counter-Terrorism Division hinggil sa idinulog na reklamong pangongotong ng P300-libo ni Lojuco sa isang negosyante na hindi pinangalanan.

Ayon sa reklamo, binantaan ni Lojuco ang complainant na ire-revive ang una nang na-provisional dismiss na tax case sa Caloocan Metropolitan Trial Court  Branch 50 kung hindi magbibigay ng nasabing halaga.

Ito’y bukod pa sa parehong halagang hinihingi umano ni Lojuco sa nasabing complainant sa 3 pa niyang ibang tax case sa BIR na aabot sa P900-libo.

 Ani Lavin, nasa 30 -taon na sa serbisyo si Lojuco at matagal na rin ang kaniyang modus na makapangikil ng pera sa mga negosyante gamit ang da­lawang kasabwat na babae.

Nahaharap na ang tatlong suspek sa mga reklamong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, direct bribery, at robbery extortion.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with