2 tigok sa heat stroke
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa man opisyal na idinedeklara ang panahon ng tag-init sa bansa, dalawang katao na ang pinaniniwalaang nasawi dahil sa heat stroke bunsod ng sobrang init ng panahon sa magkahiwalay na lugar sa Tondo, Maynila.

Alas-7:00 kahapon ng umaga nang madiskubreng walang buhay ang 66-anyos na si Manuelito Labrador, sapatero at residente ng No. 886 Kagitingan St., Tondo.

Sa ulat ni SPO2 Donald Panaligan ng Manila Police District-Homicide Section, napansin na lang na hindi na gumagalaw ang biktima sa kanyang pwesto sa Block 1, Lot 1, sa may panulukan ng San Fermin at San Damian Sts., sa Tondo.

Sa imbestigasyon, kama­kalawa ng alas-6:00 ng gabi nang mapansin umano ng kaibigan ang kakaibang hitsura ng biktima habang dumaraing na masakit ang ulo at naninikip ang dibdib.

Sabado naman ng alas-9:00 ng umaga nang iulat sa pulisya ang pagkamatay ng isang machine helper na si Angelito Cruz, residente ng No. 1645 Yakal St., Tondo,

Nadiskubre lamang ito nang sunduin ng katrabahong si Aldwin Gloria, 43, na inabutang nakahandusay na sa banyo at walang buhay.

Natakot si Gloria sa nakita kaya pinuntahan ang isa pang kasama sa shop para balikan at masaksihan ang kondisyon ng biktima.

Hiniling naman ni Joseph Cruz, kapatid ng biktima, sa pamamagitan ng nilagdaang waiver sa  Homicide Section na huwag nang isalang pa sa malalimang imbestigasyon ang kaso ng kapatid dahil atake umano sa puso ang sanhi ng pagkamatay at wala umanong foul play.

HEAT STROKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with