Sa pagtataya ng mga oil market experts, inaasahang aakyat ng P.65-P.75 kada litro ang presyo ng gasolina, P.05-P.15 sa diesel at maliit na P.05-P.10 sa kerosene.
Ika-7 oil price hike
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling sisirit sa ika-pitong pagkakataon ang presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahang ipatutupad sa darating na Martes.

Sa pagtataya ng mga oil market experts, inaasahang aakyat ng P.65-P.75 kada litro ang presyo ng gasolina, P.05-P.15 sa diesel at maliit na P.05-P.10 sa kerosene.

Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na maraming refinery sa Asya ang nagpatupad ng maintenance shutdown. Ito umano ang dahilan ng pagtaas naman ng bentahan ng imported na langis sa world market.

Nanawagan naman ang DOE sa mga Pilipino na mas lalo pang higpitan ang pagtitipid sa petrolyo at enerhiya dahil sa nararanasan pa ring tensyon sa mga bansang nagpo-produce ng langis.

OIL PRICE HIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with