Tandem na holdaper tiklo sa Pasay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Sa kulungan ang bagsak ng isang riding-in-tandem matapos masakote ng mga otoridad makaraang makapambiktima sa Pasay City, kahapon ng hatinggabi.

Nakilala ang mga nadakip na sina Hadji Fernando Bansil, 19, ng No. 2117 FB Harrison St., Brgy. 10, Pasay at Danilo Oserio, 18, ng Tramo St., Brgy. 64 ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad sa may FB Harrison St. dakong alas-12:10 ng madaling araw ang biktimang si Patrick Belosillo, 21, room attendant, ng Trece Martirez, Cavite nang biglang hablutin ng mga suspek ang kanyang backpack.

Nakipaghilahan ang biktima ngunit bumaba sa scooter ang dalawang suspek at pinagtulungang gulpihin ang biktima saka natangay ang kanyang bag.  Tiyempo naman na napadaan ang mga nagpapatrulyang tauhan ng Libertad Police Community Precinct na rumesponde sa krimen at nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek.

Narekober sa dalawa ang sinasakyan nilang Beat type scooter na kulay puti, isang backpack bag na may lamang pouch na may limang pirasong tig-1 US dollar, mga damit, isang cellular phone, at dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong Robbery Snatching, Physical Injuries at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Prosecutor’s Office.

RIDING-IN-TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with