^

Metro

‘Tirador’ sa MRT-3, huli

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Huli ang isang lalaki na sinasabing mandurukot o ‘tirador’ sa mga pasahero ng MRT Line 3 (MRT-3) matapos siyang ireklamo ng isa sa kanyang biktima sa Brgy. Wack wack, Mandaluyong City, kahapon ng tanghali.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong 12:45 ng tanghali ay kapwa nakasakay umano sa tren na pa-southbound, ang suspek na kinilalang si Renante Sol, 30, at ang biktima na si Christopher Marzan, 20, nang pagdating sa Ortigas station, ay binangga ng suspek ang biktima.

Nagawa umano ng suspek na makuha ang iPhone 6 plus nito na nagkakahalaga ng P50,000 na nakalagay sa kanang bulsa ng kanyang short.

Naramdaman naman ito ng biktima at hinabol ang suspek hanggang sa mahulog sa sahig ang kinuhang cellphone.

Kaagad na humingi ng tulong ang biktima sa security guard ng MRT,  na siyang umaresto sa suspek at nagdala dito sa  himpilan ng pulisya. 

Nananawagan ang pulisya sa iba pang naging biktima ng suspek na magtungo sa Mandaluyong Police station para kasuhan ang suspek.

vuukle comment

MRT-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with