^

Metro

Hustisya sigaw ng pamilya nang pinaslang na call center agent

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hustiya ang panawagan kahapon ng pamilya ng isang 31-anyos na call center agent matapos matagpuan ang bangkay nito kamakailan sa isang madamong lugar sa Pasay City.

Ayon sa hepe,  ng Pasay City Police na si Sr. Supt. Bernard Yang, alas-7:00 ng umaga noong Marso 15 nang matagpuan ang bangkay ng isang hindi kilalang lalaki, na may mga malalalim na sugat sa ulo, bale ang leeg, puro pasa ang buong katawan at nakatali ang mga paa ng kable sa  madamong lugar ng Coral Way Drive CP1, MOA ng naturang lungsod. 

Nabatid na nakilala lamang ang biktimang si Jake Dela Peña, isang call center agent, na taga-Pasay  matapos itong  ma-i-post sa pamamagitan ng social media.

Nabatid sa pamilya ng biktima, umalis ito ng bahay noong Marso 14  na ayon dito ay may kakatagpuin ito na nakilala niya sa Facebook. Nitong Biyernes ng umaga  ay natagpuan na nga ang bangkay ng biktima.

May hinala ang pulisya, na posibleng may kinalaman sa karumal dumal na krimen ang kakatagpuin ng biktima, na inaalam na kung sino ito.

Sigaw ng pamilya Dela Peña, hustisya ang nais nilang makamit sa sinapit ng mahal nila sa buhay. 

vuukle comment

CALL CENTER AGENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with