Exec. assistant ni Junjun Binay, tuluyan nang pumanaw
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nasawi ang executive assistant ni dating Makati City Mayor Junjun Binay habang nilalapatan ito ng lunas sa isang ospital nitong Biyernes ng gabi  sa Makati City.

Kinumpirma kahapon ni Junjun Binay sa pamamagitan ng kanyang official facebook, na binawian na nang buhay habang ginagamot  sa Makati Medical Cen­ter (MMC) ang kanyang assistant na si Monaliza “Monette” Bernardo, 44 matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman.

Tinamaan ito sa kanang kamay na lumusot sa tiyan  kung saan nahagip ang kidney nito.

Nabatid na nag-alok ng halagang P1 milyong pabuya si dating Vice President Jejomar Binay para sa magtuturo at sa ikadarakip ng  mga suspek.

Kinumpirma rin  kahapon ng hepe ng Makati City Police na si  Senior Supt. Rogelio Simon, alas-11:12 kama­kalawa ng gabi  ng bawian nang buhay si Bernardo.

Nabatid na Huwebes, alas-8:50 ng gabi binaril ng riding-in-tandem si Bernardo malapit sa kanilang bahay sa  Makiling St., Brgy. Olympia ng nabanggit na lungsod, na kagagaling lang ng biktima sa trabaho at sa isang pulong.

Sa pahayag sa pulisya  ng ilang mga nakasaksi, kitang nagmamanman ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo na walang plaka sa lugar bago mangyari ang pamamaril sa biktima.

Aniya patuloy pa rin silang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente at ini-isa isa nila yun mga nakausap-at nakahalubilo ng biktima bago ang ginawang pamamaslang dito.

JUNJUN BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with