^

Metro

‘Zero singil’ sa tubig hiling ng mga residente ng Mandaluyong City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod ng naranasang krisis sa tubig kaya naghain ng petisyon sa Manila Water ang mga apektadong residente ng Mandaluyong City na ‘zero singil’ upang makabawi sa hirap na kanilang naranasan.

Ayon kay Remelyn Parreno, isa sa mga petitioner, matinding pagod, puyat at sakripisyo ang kanilang naranasan sa loob ng halos tatlong linggo na wala silang supply ng tubig.

“Grabe ang hirap, pumupunta kami ng ibang barangay para magtiis sa mahabang pila at umigib.  Ang hirap namin sa pagbuhat so dapat, ibalik nila. Huwag na kaming singilin dun sa hirap namin na dinanas,” sabi ni Parreno.

Isa pa sa mga residente ang nagsabing, kung si­singilin pa sila ay kakasuhan nila ang pamunuan ng Manila Water dahil sa perwisyo na kanilang inabot.

“Kapag na-late ka sa pagbabayad ng tubig ay puputulan ka nila ng supply at pagbabayarin ng danyos, ngayon sila naman ang may kagagawan kung bakit walang tulo aming mga gripo, kaya marapat lamang na sila naman ang pagbayarin,” sabi ni Mang Rolando Lastigo.

Maging ang regulatory office na Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay humihiling sa Manila Water ‘zero singil’ hanggang hindi naibabalik sa normal ang tulo ng tubig.

Tinitingnan na rin ng MWSS ang posibilidad na magkaroon ng ‘rebate’ ang mga apektadong kostumer ng Manila Water.

“Hindi nila makakamit ang 24/7 na serbisyo may 15-araw na ngayon. Pag hindi pa po ma-normalize ‘yan ay puwede na natin sila bigyan ng notice to explain,” sabi ni MWSS chief regulator Patrick Ty.

Sa panig naman ng Manila Water, sinabi nilang titingnan at pag-uusapan nila ang kahilingan ng mga apektadong residente ng Mandaluyong City.

vuukle comment

TUBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with