Gayunman, tumanggi si Aquino na pangalanan ang mga kagawad ng media at artista na nasa National Drug Information System (NDIS) ng kanilang tanggapan.
Boy Santos
Media at artista nasa drug watchlist ng PDEA
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na ilang  miyembro ng media at mga artista ang kabilang din sa 20,000 na indibidwal na nasa kanilang drug watchlist.

Gayunman, tumanggi si Aquino na pangalanan ang mga kagawad ng media at artista na nasa National Drug Information System (NDIS) ng kanilang tanggapan.

Ayon kay Aquino, ang pagkakaiba ng hawak ng Pangulong Rodrigo Duterte na 6,000 na sangkot sa droga ay validated na habang ang nasa 20,000 na NDIS ng PDEA ay kasalukuyan palang bina-validate.

Sinabi ni Aquino, na­ngangalap pa sila ng dag­dag at solidong ebidensiya laban sa mga kagawad ng media at artista bago nila ito sampahan ng kaukulang demanda.

Aniya, may isang team sila sa PDEA na kinabibilangan ng NICA, AFP, PNP at DILG na ang trabaho ay magsagawa ng validation at re-validation sa mga napapabilang sa kanilang drug watchlist bago ito ibigay o ipadala sa tanggapan ni Pangulong Duterte.

“Napapabilang ang isang tao sa aming drug watch list kung may rek­lamo at impormasyon laban sa kanya, pero kailangan naming i-validate ito para mapatunayan na involve talaga sa pagtutulak o kaya’y protektor ng droga”, sabi  ni Aquino.

Tiniyak ni Aquino na agad naman nilang inaalis sa listahan ng kanilang drug watch list ang isang tao kapag lumabas sa kanilang validation na paninira lamang ang reklamo at impormasyon na ipinarating sa PDEA.

AARON AQUINO PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with