Pinangunahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng relief items mula sa kanyang tanggapan para sa mga biktima ng sunog sa Damayang Lagi. Ilan lamang ito sa mga pamilyang naapektuhan sa naganap na sunog sa Brgy. Damayang Lagi na pansamantalang nakahimpil sa temporary sleeping areas sa may E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.
Kuha ni Miguel De Guzman
Joy Belmonte namahagi ng relief goods sa mga nasunugan sa Quezon City
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namahagi si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ng relief goods kabilang ang   mga grocery items at banig  sa mahigit 750 pamilyang naging biktima ng sunog sa Brgy. Damayang Lagi, Quezon City noong Miyerkules.

Hinikayat din ni Belmonte ang mga tauhan ng  barangay na magpaabot ng karagdagang ayuda  sa mga nasunugan habang hinahanda ng lokal na pamahalaan ang temporary evacuation ng mga ito.

 “As of the moment, we will be distributing relief packs to the victims to give them something to eat. We will closely monitor the situation here in Brgy. Damayang Lagi and I already have instructed the barangay officials to assist them for now,” sabi ni  Belmonte.

Mahigit 250 kabahayan ang nadamay sa sunog na umabot sa general alarm matapos lumaki ang apoy dahil sa mababang pressure ng tubig sa mga fire hydrant at “fanning effect” dulot ng malakas na hangin.

Patuloy naman sa paalala si Belmonte sa ibang mga komunidad sa lungsod na maging maingat at isagawa ang iba’t ibang fire safety measure upang makaiwas sa sakuna. 

“Hindi biro ang epekto ng sunog kaya lagi tayong mag-iingat sa ating mga tahanan lalo at napakaraming kaso ng sunog na naitatala ngayon. Dagdagan pa na may problema tayo sa suplay ng tubig kaya ‘yung paalala natin, mag-ingat talaga,” ayon pa kay Belmonte.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with