Patung-patong na kaso ang kinakaharap ngayon nina Renante Gamara, alyas Mike, dating kalihim at consultant ng Central Luzon Committee Metro Manila Regional Party at isang retiradong pari na si Arturo Joseph Balagat.
File Photo
NDF consultant timbog sa mga baril at pampasabog
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinakip nang  pinagsa­nib na puwersa ng Philipine National Capital Region Police Office-Regional Special Operation Unit (NCRPO-RSOU) Philippine National Police  (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dating secretary ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA) at ngayon ay consul­tant ng National Democratic Front  (NDF) at kasabwat nito matapos mahulihan ng mga armas, pampasabog at mga subersibong dokumento sa hide out nito sa Imus Cavite kamakalawa ng hapon.

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ngayon nina Renante Gamara, alyas Mike, dating kalihim at consultant ng Central Luzon Committee Metro Manila Regional Party at isang retiradong pari na si Arturo Joseph Balagat.

Ayon sa NCRPO, alas-5:30 ng hapon nang maaresto ang dalawa sa kanilang hide out sa Ge­neral Bautista St. Poblacion II-A , Imus Cavite.

Nabatid kina NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, kabilang sa mga nakumpiska kay Gamara ay 1 calibre 9mm pistol with magazine, 2 hand grenades, electronic devices at gadgets na may subversive information, at iba ibang mga dokumento at P90,000 cash.

Nabatid na si Gamara ay matagal nang pinaghahanap kung saan natunton siya  sa bahay na pag-aari ng dating pari na pinagtataguan ng dating secretary ng CCP-NPA.

Halos isang buwan nagsagawa ng surveillance at case build up ang mga pulis  laban kay Gamara, batay na rin sa ilang natatatangap nilang tip mula sa mga concerned citizens.

Si Gamara ay isa sa dalawampu’t isang NDF consultant na pansamantalang nakalaya upang maki­bahagi noon sa usapang pangkapayapaan.

Ngunit nang putulin na ng pamahalaang Duterte ang peace talks noong November 2017 ay nagtago na si Gamara.

Naaresto noong 2012 si Gamara dahil sa kasong kidnapping with murder ng isang sundalo at frustrated murder sa isang rebel returnee.

NDF CONSULTANT ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with